Paano Gamitin ang Agua de Lira Gayuma Love Potion

gayuma, love, potion, panggayuma, pag-ibig, babae, lalaki, minamahal, asawa, kasintahan, kabiyak, kasintahan, kapareha, pampalakas, karisma, pang-akit, panghalina, pampatino, pampatibay, relasyon, pampaamo, pampabalisa, pagkain, inumin
Ito ay ginawa mula sa mga natural na sangkap ng isang Babaylan na makakatulong sa iyong maakit ang taong iyong nagugustuhan o mapanumbalik ang pagmamahal sa iyo ng iyong karelasyon.

Tuwing kailan mo ito gagamitin:


Mas magiging epektibo ito kung gagamitin mo ito sa iyong target ng tatlong (3) beses kada linggo. Ngunit kung hindi ito posible, sikapin mong magamit ito kahit isang (1) beses kada linggo.

Expiration:


Tatagal lang ito ng anim na buwan simula sa araw na nabuksan mo ito. Ngunit mapapatagal mo ang buhay nito kung ilalagay mo ito sa refrigerator. Siguraduhin lang na walang sinuman ang makakakita nito.

Paraan ng paggamit:


1. Buksan ang botelya.

2. Sambitin ang iyong intensiyon o kahilingan at isaisip na nangyayari na ito. Sa pagkakataong ito, ikaw ay parang nanonood ng pelikula kung saan nakikita mo na ginagawa na ng iyong target ang iyong gusto. Iwasang mag-isip ng mga negatibong bagay habang ginagawa mo ito. Ibig sabihin lang nito ay magagamit mo lang yan para sa iisang tao lang.

3. Huminga ng malalim at biglang ihipan ang laman ng botelya ng pitong beses at takpan ito.

Maaari mo na itong gamitin sa iyong target. Lagyan lang ng tatlong patak ng Agua de Lira ang “dark-colored” na inumin o pagkain ng iyong target upang hindi niya ito mahalata.

Mga dapat tandaan:


1. Huwag mong ipapakita, pahahawakan o ipapagamit sa iba ang iyong potion. Huwag mo ring ipaalam sa kahit na sinuman ang patungkol sa iyong ginagawa, lalo na sa iyong target. Kapag nangyari ito, mawawalan na ito ng bisa.

2. Mawawalan rin ito ng epekto kung makakakain o makakainum ka ng pinagpatakan mo nito.

3. Kung ginawa mo ito upang maisaayos ang iyong relasyon sa isang tao, iwasan mong makagawa ng mga bagay na makapagtutulak sa kaniya palayo mula sa iyo. Gawin mo rin ang iyong makakaya upang maibalik sa dating sigla ang inyong relasyon.

4. Kung ito naman ay yung ginawa para mapabalik ang isang ex-lover o makapag- attract ng isang taong iyong nagugustuhan, huwag kang magiging attached at obsessed sa kaniya. Kailangan na siya ang magkusang lumapit sa iyo. Kapag nagsimula na siyang magparamdam ng kagustuhan sa iyo, iwasan mong makagawa ng mga bagay na makakapagpasama ng tingin niya sa iyo.

5. Huwag mong hintayin ang kaganapan ng isang kahilingan. Humanap ka ng mga pwedeng mapagkaabalahan upang mailayo ang iyong atensiyon sa iyong ginawa. Sa madaling salita, huwag kang magmadali na makamit ang iyong kahilingan.

6. Dapat mong maunawaan na tatanggalin lang nito ang mga balakid at bubuksan ang daan upang maibigay sa iyo ang iyong naisin. Upang mas mapabilis ang kaganapan nito, paunlarin mo ang iyong sarili at panatilihin ang pagiging positibo.

7. Kung naibigay na ng potion ang iyong gusto, kailangan mong patuloy na gamitin ito sa iyong target upang magpatuloy rin ang epekto nito sa kaniya.

8. Walang magiging masamang balik ito sa iyo kung gagamitin mo ito sa mabuti.

9. Panatilihin mo pa rin ang iyong pananampalataya sa Nag-iisang Lumikha. Ito ay instrumento lamang Niya upang ikaw ay tulungan. Hindi ito sagradong bagay na dapat sambahin.

Kung nais na makabili ng Agua de Lira Gayuma Love Potion, i-tap or i-click lang ang link na ito: https://www.lazada.com.ph/products/agua-de-lira-gayuma-love-potion-panghalina-pampabalik-at-pampaamo-ng-minamahal-i3355544435-s17087242919.html

Comments

Customer Service

Send