Paano Gamitin ang Purify, Enchant at Prosper Bath Salts



Kami ay may tatlong versions ng bath salts.

Mayroong para sa spiritual protection, love-drawing and money-drawing.

Ito ay gawa sa mga natural na sangkap kagaya ng asin, herbs at essential oils, at tinaniman rin namin ng positibong enerhiya sa pamamagitan ng dasal at ritwal.


Ang Enchant Bath Salts ay maaari mong gamitin kung laging nakakaranas ng kamalasan sa pag-ibig kagaya ng laging napapasok sa failed or unhealthy relationships, nahihirapang makanahap ng kapareha, o sunod-sunod ang problemang kinakaharap sa kasalukuyang relasyon.


Ang Prosper Bath Salts ay pwedeng gamitin kung laging maalat ang pasok ng pera sa iyo, nahihirapang makahanap ng trabaho o anumang pagkakakitaan, laging nagkakaroon ng mga unexpected expenses, o laging nasasagabalan ang iyong mga financial plans.


Ang Purify Bath Salts ay magagamit kung laging pinangingibabawan ng hindi maipalawanag na negatibong emosyon at kaisipan, sinasalot ng sunod-sunod na kamalasan, laging walang maayos na tulog dahil sa masasamang panaginip, at nawawalan ng gana sa buhay nang walang dahilan.

Maghalo lamang ng isang kutsara nito sa isang timba ng tubig.

Kapag natunaw na ito, humiling ng isang bagay na naaayon sa kakayahan ng bath salt.

Ang tubig na hinaluan ng bath salt ay ang iyong huling ipangbabanlaw sa buong katawan.

Gawin ito sa loob ng 7 consecutive days o pitong araw na magkakasunod sa oras na hindi ka nababagabag ng mga negatibong bagay.

Magandang simulan ito sa huling pitong araw ng bawat buwan.

Mas maganda kung sasabayan mo ito nang paggamit ng aming oil perfumes.

Tandaan na mawawalan ito ng bisa kung ipapagamit sa iba.

Ganunpaman, kung ipangreregalo mo ito, siguraduhin na hindi mo ito mabubuksan o mababawasan.

Maaari mo ding sabay sabay na gamitin ang Purify, Enchant at Prosper bath salts.

Mas magiging epektibo ito kung sasamahan din ng pagkakaroon ng positibong kaisipan.

Para makabili ng aming bath salts, I-click ang link na ito: https://bit.ly/3bRvGq6

Para naman masubukan ang aming oil perfumes, pumunta sa link na ito: https://bit.ly/3OEMAGR

Comments

Customer Service

Send